𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐅𝐔𝐍𝐃?
𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐅𝐔𝐍𝐃? Dahil marami sa mga Pilipino lalo na ang mga 𝐎𝐅𝐖, walang oras pa para pag-aralan mabuti ang 𝐅𝐮𝐧𝐝𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 at 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐲𝐬𝐢𝐬 ng 𝐒𝐭𝐨𝐜𝐤 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 kaya nagkaroon ng 𝐌𝐮𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐅𝐮𝐧𝐝. Ang 𝐌𝐮𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐅𝐮𝐧𝐝 ay Investment Company na legal na nangongolekta ng pondo sa publiko para mailagay sa iba ibang financial instruments tulad ng Money Market, Bonds at Stocks. Ang Mutual Fund ay may mga empleyado na eksperto sa pag-invest sa stock market na tinatawag na 𝐅𝐮𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫 kaya alam nila kung aling stocks ang mabilis na tumaas ang Stock Price at nagbibigay din ito ng malaking Dividends dahil na rin nakatutok sila palagi sa stock market. Ang isa pang advantage ng Mutual Fund ay naka diversified ang investment mo dito sa mga Blue Chip Stocks. Regulated ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Mutual Fund at may batas na pinatupad tulad ng Investment Company Act o Republic Act no. 2629...